-- Advertisements --

Kinumpirma ng Russia na sila ang nagsagawa ng air strike sa Kyiv sa kasagsagan ng pagbisita ni United Nation chief Antonio Guterres.

Ayon sa defence ministry ng Russia na gumamit sila ng high-precision long range air-based weapons sa nasabing air strike.

Dagdag pa nito na kanilang tinamaan ang gusali kung saan ginagawa ang Artyom missile sa Kyiv.

Dahil aniya sa air strike ay nasawi si Vera Gyrych ang producer ng US-funded Radio Free Europe/ Radio Liberty.

Nauna ng sinabi rin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na ang ginawang ito ng Russia ay isang uri ng pagpapahiya sa United Nations.