-- Advertisements --
129625929 mediaitem129625928

Inakusahan ng Russia ang Ukraine at Estados Unidos na nasa likod umano ng pambobomba sa sasakyan ng isang Russian nationalist writer na naging dahilan ng pagkasugat nito at pagkasawi ng kanyang driver noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Zakhar Prilepin, isang prominenteng manunulat sa Russia.

Ang naturang pag-atake ay nangyari tatlong araw matapos sabihin ng Kremlin na sinubukan ng Ukraine na puntiryahin ang Kremlin gamit ang mga Drones.

Itinanggi naman ng Ukraine na may kinalaman ito sa  naturang pag-atake.

Batay sa state investigative committee ng Russia, pinasabog ang sasakyan ni Prilepin sa isang village sa Nizny Novgorod region.

Itinuturing naman ito ng Russia bilang isang gawaing pang terorismo.

Samantala, kasalukuyang sumasailalim sa interrogation ang suspect sa pambobomba at kinilala itong si Alexander Permyakov.

Batay sa paunang salaysay ng suspect, napag-utusan lamang ito ng Ukrainian special services at ito ay kaagad namang pinabulaan ng Ukraine.