-- Advertisements --
Ikinagalit ng Russia ang pagbibigay ng United Kingdom ng mga tangke sa Ukraine.
Ayon sa Russian Embassy na ang hakbang na ito ng UK ay lalong magpapalala sa kaguluhan sa lugar.
Magugunitang sinabi ni British Prime Minister Rishi Sunak na magpapadala ito ng Challenger 2 tanks sa Ukraine.
Nagpasalamat naman si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kay Sunak na ang hakbang ay magpapalakas ng kanilang paglaban sa Russia.
Mula pa noong Pebrero 2022 ay nagpadala na ang European allies ng Ukraine ng nasa 300 modernized Soviet tanks.