-- Advertisements --
Ginamit na umano ang Russia ng kanilang pinakabagong Kinzhal hypersonic missiles.
Ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Russia ang nasabing missiles na sumira sa weapons storage sites ng Ukraine.
Sinabi ng Russian defense ministry na ginamit nila ang Kinzhal aviation missile system na mayroong hypersonic aero-ballistic missiles na sumira sa underground warehouse sa Ukraine.
Ang nasabing bodega aniya ay naglalaman ng mga missiles at aviation ammunitions sa bayan ng Deliatyn sa Ivano-Frankivsk region.
Ang Kinzhal missile ay isa sa mga ipinagmamalaki ni Russian President Vladimir Putin na ipinakilala noong 2018.