-- Advertisements --
Gumawa ang Russia ng dalawang maritime humanitarian corridors para ligtas na makadaan ang mga barko sa Black Sea at Sea of Azov.
Ayon sa Russian defense ministry na ginawa nila ito para sa kaligtasan ng mga civil navigators.
Magiging bukas na ang humanitarin corridor sa Sea of Azov para makalabas ang mga barko sa pantalan ng Mariupol.
Magugunitang inireklamo ng Ukraine ang Russia dahil sa pagharang ng kanilang pantalan na sanhi ng hindi pagdaan ng mga trigo.
Nagbanta rin ang United Nation na magkakaroon ng food crisis sa buong mundo dahil sa ginagawa ng Russia na pagharang sa mga pantalan ng Ukraine.