-- Advertisements --

Plano ng Russia na magkaroon sila ng North Korea ng joint military exercise.

Sinabi ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu na hindi naman masama ang magkaroon ng joint military exercise dahil ito ang kanilang katabing bansa.

Nais din nitong ipatupad ang nasabing kasabihan sa Russia na hindi napipili ang kapitbahay at mas mabuting makibagay na lamang sa kanila.

Patuloy din aniya ang ginagawa nilang pag-uusap ukol sa nasabing usapin.

Magugunitang nagtungo si Shoigu sa North Korea noong mga nakaraang linggo at isa ang pagsasagawa ng military exercise sa kanilang natalakay.