-- Advertisements --
Balak umano ni Los Angeles Lakers superstar Russell Westbrook na makuha pa rin ang kanyang $47.1 million option para sa darating na 2022-23 at bumalik pa rin sa koponan.
Ito naman ang kinumpirma ng agent ni Westbrook.
Anila, aayusin na nila ang mga dokumento lalo na at merong deadline si Westbrook hanggang ngayong Huwebes lamang para sa kanyang options.
Si Westbrook, ay isang nine-time All-Star at 2017 NBA Most Valuable Player ay nasa final season na ng kanyang original five-year na $206 million contract.