-- Advertisements --

Tiniyak ng Monetary Board (MB) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mababayaran ang depositors ng isinarang San Fernando Rural Bank, Inc. o SAFER Bank sa San Fernando, Pampanga.

Ayon sa abiso ng BSP, inatasan na ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) para iproseso ang claims ng mga account holder sa nasabing bangko.

Batay sa MB Resolution No. 1514, pinagbabawalan na ang anumang operasyon ng SAFER Bank simula noong Nobyembre 26, 2020.

Lumalabas sa record na mayroong 1,349 deposit accounts ang SAFER, kung saan mayroon itong total deposit
liabilities na P76.6 million.

Habang 80.5% o P61.7 million naman ang insured deposits.

Pero dahil sa quarantine protocols, hindi agad maipagpapatuloy ang pag-takeover at liquidation sa nasabing bangko.

Itutuloy na lang umano ang proseso sa darating na Disyembre 7, 2020.