-- Advertisements --
image 341

Binuksan na muli ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa mga flight operation.

Ito ay matapos na isara ng mga kinauukulan ang nasabing runway nang dahil sa naging epekto ng pananalasa ng bagyong Paeng.

Gayunpaman, sa kasalukuyan ay isang hamon pa rin ang pagsasagawa ng flight landing at take off dito dahil sa malakas na hangin at pag-ulan na dulot ng nasabing bagyo.

Sa ulat, ang Oman Air flight WY843 ang kauna-unahang sasakyang panghimpapawid ang lumapag sa 2320H.

Samantala, inaasahan naman ng MIAA na unti-unting magbabalik sa normal na operasyon ang nasaing paliparan kasabay ng patuloy na pagkilos ng bagyong Paeng palayo sa Metro Manila.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na agad na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga airline para sa iba pang mga update hinggil sa kanilang mga flight.