-- Advertisements --

Usap-usapan sa internet ang umano’y magkasamang pagbabakasyon sa Boracay nina Coco Martin at Julia Montes.

Batay sa Facebook post ng fan page na Coco Julia World, namataan ng ilang fans sina Coco at Julia habang nasa airport ngayong araw ng Linggo at umano’y sa Boracay ang destinasyon.

Nitong Biyernes nang magdiwang si Montes ng kanyang 26th birthday at tila extra special celebration naman ang kanyang gugugulin kasama ang rumored boyfriend.

Sa caption ng naturang fan page, ramdam ang matinding kilig ng kani-kanilang supporters dahil tila umpisa na raw ng pagiging “visible” nila sa publiko.

“Sana tuloy-tuloy na! Get a man like Coco Martin, loyal kay Julia for 9 years! READ THAT? 9 YEARS!!!! ganyan sila, tahimik, private, pero sobrang inalagaan ang relasyon! super rare nyan sa showbiz AAAAA” bahagi ng post.

-- Advertisement --

Nabatid na ilang taon nang iniuugnay ang dating child star at ang 39-year-old actor kahit wala silang kinatatampukan na bagong proyekto.