-- Advertisements --

Tinawanan lamang ng panganay na anak ni Ruffa Gutierrez ang naging sermon ng kanyang beauty queen turned actress mommy, kaugnay ng pagsapubliko nito sa kanyang bikini bod.

Pinuna kasi ni Ruffa ang larawan ng 17-year-old model na si Lorin kung saan tila nawalan din ng purpose ang suot na maong shorts dahil binuksan ang zipper at bahagyang ibinaba, kaya kita rin ang itim na bikini.

Noong nakaraang taon din nang magpaka-nanay mode ang Miss World 1993 second runner-up kay Lorin.

Ruffa with panganay Lorin

Ito’y dahil naman sa video ng pag-twerk o ‘yaong dance steps kung saan nagba-bounce o pinapaalog ang pwet na kadalasan ay naka-squat position.

Ayon sa anak ni Annabelle Rama, paborito na tuloy nito ang dance craze na “WAP” kahit pa inilarawan bilang “horrible” ang dance moves ng anak.

-- Advertisement --

Kamakailan lang nang magdiwang ng kanyang 17th birthday si Lorin, habang ang nakakabatang kapatod na si Venice ay 16-anyos na.

Mga anak sila ni Ruffa sa nakahiwalayang Turkish husband na si Yilmaz Bektas.