-- Advertisements --
Masayang ibinahagi ni Ruffa Guitierrez ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo.
Sa kaniyang social media ay nagpost ito ng kaniyang graduation picture.
Nagtapos ito ng kaniyang bachelor’s degree in communications sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) sa Philippine Women’s University (PWU).
Magaganap ang kaniyang graduation ceremony sa susunod na linggo sa Philippine International Convention Center (PICC).
Target nito na ngayon ang pagkuha ng kaniyang masteral degree.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa mga kapwa artista at kaibigan ng actress.