Tuluyan nang sumailalim sa emergency surgery ang Australian actress na si Ruby Rose Langenheim matapos nitong magtamo ng serious injuries.

Sa Instagram post ni Rose, ibinahagi nito sa publiko ang video footage ng kaniyang maselang surgery.

Nagpasalamat din ang “Batwoman” star sa kaniyang doktor dahil pinayagan pa rin siyang magpatuloy sa trabaho sa kabila ng kaniyang injury na maaari sanang maging dahilan ng kaniyang pagkaparalisa.

Hindi naman ito ang kauna-unahang beses na nagtamo ng sugat si Rose. Noong Enero 2018 nang sumailalim ito sa spinal surgery.

“So…For the past few years (decade) I’ve been dealing with a spine issue,” Rose revealed in a tweet at the time that has since been deleted. “I am now recovering from a back procedure, but I do need to stay active, so before I get seen with my cane and wheelchair in public, I’d rather put it out there that I’m fine and going to be fine.dagdag ng 33-year-old actress.