-- Advertisements --

DAVAO CITY – Ipapatupad ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC) ang mahigpit na seguridad kasabay ng muling pagbubukas ng Roxas Night Market ngayong araw.

Ayon kay PSSCC head Angel Sumagaysay, na bilang bahagi ng pagpapatupad ng security measures mananatili pa rin ang No backpack, no jacket policy.

Nakahanda na rin ang operasyon ng Roxas Night Market ngayong araw kung saan nasa apat na section ito na kinabibilangan ng food, ready to wear (RTW), accessories at sa mga therapist.

Ipapatupad rin ang One entrance, one exit policy gaya noong hindi pa nararanasan ang pandemiya.

Magsisimula ang operasyon alas singko ng hapon hanggang alas 12 ng hating gabi.

Una ng inihayag ng Davao City Covid-19 Task force na papayagan lamang na magtinda ang mga vendors na fully vaccinated.

Maaari naman na makapasok ang mga hindi pa bakunado dahil open area naman ang lugar at mayorya sa mga pupunta ang fully vaccinated.