LAOAG CITY – Arestado muli ang lider ng P2P Investment Scam sa Ilocos Norte.

Nakilala ito na si Angelica Joyce Nacino, 22-anyos, may live-in partner pero walang trabaho at residente ng Barangay San Isidro, Pasuquin, Ilocos Norte.

Ang paghuli kay Nacino ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Jonathan A. Asuncion, Presiding Judge, First Judicial Region-Branch 2, Laoag City, Ilocos Norte, dahil sa kaso niyang estafa.

Inirekomenda ang P72,000 na piyansa ni Nacino para sa temporaryo niyang kalayaan.

Samantala sa eksklusibong interview ng Bombo Radyo Laoag kay Nacino, inamin nito na inaasahan na niya ang pagdakip sa kanya pero umaasa na ito na ang huli niyang kaso.

Unang inaresto si Nacino noong nakaraang taon dahil naman sa kasong extortion pero nakalabas matapos hindi na ipinursige ng nagsampa ng kaso laban sa kanya.