CAUAYAN CITY- Hindi kailangang gawing mandatory ang ROTC sa mga mag aaral sa bansa ayon sa isang security and military diplomacy expert.
Ito ay matapos magpasa ng proposal si Sen. Ronald Bato Dela Rosa tungkol sa mandatory ROTC.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Chester Cabalza, isang security and military diplomacy expert sinabi niya na maging siya ay sumailalim sa ROTC noong siya ay nag aaral pa.
Aniya bagamat maituturing na very volatile ang mundo dahil sa mga nagaganap na giyera pangunahin na ang nangyayari ngayon sa Ukraine at Russia ay hindi kailangang gawing mandatory ang ROTC dahil ang patriotism ay talagang lumalabas kapag nagkaroon ng conflict.
Mas maganda umano kung kusang ipinapakita ng mamamayan ang kanilang pagmamahal sa bansa o nasyonalism at hindi kailangang sapilitan.
Kitang kita naman sa bansang Ukraine ang patriotism ng mga Ukrainians noong nagkaroon ng conflict sa kanilang bansa at hindi naman lahat ng mga nakibaka ay sumailalim sa military training tulad ng ROTC.
Mas maganda anniyang ipaintindi sa mga mamamayan pangunahin na sa mga kabataan ang Nationalism o Patriotism tulad ng karagdagang kurikulum patungkol dito at hindi ang mandatory na ROTC.
Aniya mayroon nang ROTC ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natitigil ang insurgency sa bansa na malaking tulong sana ang mga sumailalim sa ROTC upang ito ay mawakasan.
Hindi aniya nagamit ang ROTC sa mga nangyaring Marawi Siege, Stand offs at iba pang nangyaring kaguluhan sa bansa.
Mas may naitulong pa aniya ang mga Auxilliary Groups o CAFGUs ng Philippine Army.
Kung si Dr. Cabalza umano ang tatanungin mas magandang mag-isip ang pamahalaan ng alternatibo na maipamulat sa mga estudyante ang Nationalism at Patriotism.