-- Advertisements --
Kaya na raw tumakbo ni presidential spokesperon Harry Roqye sa pagka-senador sa 2022 elections.
Pagkatapos ng isang event sa Panglao Island sa Bohol, sinabi ni Roque na maganda na ang kalagayan ng kanyang kalusugan sa ngayon.
Matatandaan na tumakbo sa pagka-senador si Roque noong 2019 election sa ilalim ng People’s Reform Party ni dating Senator Miriam Defensor-Santiago.
Pero binawi niya ang kanyang Senate bid matapos na magkaroon ng “unstable angina coronary disease.”
Sa ngayon, kung wala na rin naman aniyang haharang sa kanyang pagtakbo, tulad na lamang ng issue sa kalusugan, maari aniya siyang tumakbo ulit sa pagka-senador.
Sasailalim muna siya sa medical check-up para matiyak din na puwede siyang tumakbo sa posisyon sa susunod na taon.
















