-- Advertisements --

Nadagdagan pa raw ang bilang ng mga kongresista na sumali sa alyansa ng partido Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Ayon kay party president at Majority Leader Martin Romualdez, dalawa ang bagong miyembro ng kaniyang partido.

“Lakas-CMD is gaining momentum in its goal to strengthen its ranks in the House of Representatives,” ani Romualdez sa isang statement.

Bago matapos ang special session ng Kamara noong Biyernes ay nanumpa raw si Quezon City Rep. Anthony Peter Crisologo bilang party member

Isinapormal naman ang oath-taking ni Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe noong nakaraang Huwebes kahit noong September 15 pa siya miyembro ng Lakas-CMD.

Bukod sa mga bagong miyembro, apat na kongresista rin daw ang nagpahayag ng pakikipag-alyansa sa partido ni Romualdez:

Rep. Rodolfo Ordanes (Senior Citizen’s Party-list)
Rep. Ducielle Cardema (Duterte Youth)
Rep. Angelina Natasha Co (BHW Party-list)
Rep. Claudine Diana Bautista (DUMPER PTDA Party-list)

Si Sen. Bong Revilla ang kasalukuyang chairman ng Lakas-CMD. Mayroon nang 42 mambabatas sa Kamara ang affiliated sa partido. 21 miyembro at 21 kaalyado sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.