-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Sinampahan na ng kaukulang kaso ng Malay Municipal Police Station ang alkalde ng San Jose Romblon na nahulihan ng hindi lisensiyadong baril sa isang bar sa Isla ng Boracay, gabi ng Sabado.
Agad na nakalabas ng kulungan si San Jose Mayor Egdon Sombilon matapos na makapagpiyansa sa kasong illegal possession of firearms.
Kinumpirma ni P/Lt. Col. Don Dicksie De Dios, hepe ng Malay PNP na pawang expired na ang permit to carry at registration of firearms ng dalang baril ng alkalde.
Nakuha umano sa alkalde ang baril nang kapkapan sa pagpasok nito sa bar.
Dagdag ni De Dios na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng anumang uri ng baril sa loob ng mga bars at restaurants sa Boracay kahit na kompleto pa ito sa dokumento.