Nagkasundo ang Department of Migrant Workers (DMW) at Embahada ng Romania sa Pilipinas na lalo pang palawakin ang ang pagtutulungan para sa ibat ibang sektor.
Sa naging paghaharap nina Romanian Ambassador to the Philippines Raduta Dana Matache kay Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nagkasundo ang mga ito na magtutulungan para matiyak ang maayos na kalagayan ng mg OFWs na naka-base sa naturnag bansa.
Kasama rin dito ang pagtulong ng Pilipinas para matugunan ang pangangailangan ng Romania sa ilalim ng labor sector nito.
Sa kasalukuyan, mayroong 1,500 na OFWs na nakabase sa naturang bansa.
Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho bilang mga household service workers.
Pagtitiyak ng Romanian Ambassador to the Philippines, tutulong itong maprotektahan ang kaligtasan ng mga Pinoy workers na nakabase sa naturang bansa.