-- Advertisements --
Muling magkakaroon ng bawas presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, November 23, 2021.
Bababa sa P0.85 ang kada litro ng gasolina, habang nagkakahalaga naman sa P1.20 ang ibababa ng presyo sa kada litro ng diesel.
Magkakaroon din ng rollback sa kada litro ng kerosene na papatak naman sa halagang P1.30.
Magtatagal ang nasabing pagbabago sa presyo ng krudo hanggang sa darating na November 29, 2021. /mp