-- Advertisements --

Asahan sa susunod na linggo ang namumurong rollback sa petrolyo at liquefied petroleum gas.

Sa unang 4 na araw ng linggo, nasa P1.20 na ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng imported na gasolina.

Nasa mahigit P1.80 naman ang ibinaba ng kada litro ng diesel at kerosene.

Sinabi ng Department of Energy na dulot ito sa pagdami ng COVID-19 cases at lockdown sa China, na siyang pinakamalaking konsumer ng krudo.

Nagbalik din ang produksyon sa Libya at naglabas ng strategic reserve ang Estados Unidos.

Napag-alaman na pumapalo na sa hanggang P88 ang litro ng gasolina sa Metro Manila at hanggang P82 naman sa diesel.

May inaasahan ding rollback sa LPG sa May 1 na maglalaro sa P5 hanggang P6 kada kilong bawas-presyo.