-- Advertisements --
Nakaamba ngayon ang bawas-presyo sa produktong diesel sa linggong ito.
Ito ay matapos ang tatlong sunud-sunod na linggong umento sa presyo ng imported na petrolyo.
Sa abiso ng Phoenix Petroleum, ipapatupad nila ang aabot sa P0.40 kada litro na rollback sa diesel mamayang alas-12:00 ng tanghali.
Inaasahan na ring mag-aanunsyo ng kani-kanilang price adjustments sa petrolyo ang iba pang kumpanya.
Kadalasang sa araw ng Martes ipinatutupad ang mga paggalaw sa presyo.










