Reading Time: 1 minute

LEGAZPI CITY – Kaabang-abang ang mga nakalinyang aktibidad sa pagbubukas ng kapistahan sa Daraga, Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Councilor Archie Bajamundi, maghahatid ng kasiyahan sa grand opening ng town fiesta ang rock band Rocksteddy sa darating na Agosto 30.

Inaasahang magpi-perform ang banda sa T. Perez, habang hindi na umano maaapektuhan ang buhos ng trapiko sa Rizal St. na ginamit noong nakaraang taon.

Paliwanag ng opisyal, “busy road” ang Rizal Street kaya gagawin itong two-way kasabay ng aktibidad upang hindi maharangan ang biyahe ng mga motorista at mga commuters.

Dagdag pa ni Bajamundi na inaasahan ang buhos ng turista na bibisita rin sa iba’t-ibang destinasyon sa lalawigan partikular na sa Cagsawa Ruins.

Ang Rocksteddy ay kinabibilangan ng band vocalist at variety show host na si Teddy Corpuz, Jeff Cucullo, Christian Sindico, at Juven Pelingon.

Sikat ang mga ito sa kantang “Deadma,” “Blue Jeans,” “Magpakailanman”, “Superhero” at marami pa.