-- Advertisements --
Tumindi pa ang rocket attack ng Russia sa Ukraine.
Sa pinakahuli ay tinamaan ng rocket attack ang Odessa Region kung saan matatagpuan ang Black Sea port at ang grain export hub ng Ukraine.
Sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskiy na inaasahan na nila ang matinding rocket attack dahil sa nalalapit ang ika-31 taon ng kanilang independence mula sa Soviet ruling.
Ilan sa mga ikinakabahala nila ngayon ay ang pagtama ng mga rocket sa Nikopol ang lungsod na kalapit g Dnipro river mula sa Zaporizhzhia nuclear plant.
Magugunitang nanawagan na ang United Nations sa mga sundalo ng Russia na lisanin ang nuclear plant dahil magdudulot ito ng matinding pinsala.