Inihatid na sa huling hantungan ang rock and roll legend na si Little Richard.

Dinaluhan ng mga kaanak at malalapit na kaibigan ang simpeng seremonya sa Oakwood University Memorial Gardens Cemeery sa Huntsville, Alabama.

Kumanta naman ang opera singer na si Brandie Sutton habang naghayag ng eulogy si Dr. Carlton P. Byrd at ang tagapagsalita nila na si David Person.

Magugunitang pumanaw ang 87 anyos na rock and roll legend na si Richard Wayne Penniman sa tunay na buhay sa kanilang bahay sa Tennessee dahi sa matagal ng iniindang sakit.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta ay ang “Tutti Frutti” at “Long Tall Sally”.