Nakapag-uwi ng gintong medalya si Robyn Lauren Brown sa women’s 400-meter hurdles ng 25th Asian Athletics Championships sa Supachalasai National Stadium.
Tinalo ni Brown, 28, ang kanyang dalawang pinakamalapit na kalaban sa kalagitnaan sa huling 200 meters para mauna na may oras na 57.50 seconds.
Sinundan siya ni Eri Utsunomiya ng Japan na may 57.73 seconds at Ami Yamamoto na may 57.80 seconds.
Ang Filipino-American ang kasalukuyang national record holder na may oras na 56.44 seconds sa huling biennial meet.
Sa kabila ng pagkapanalo ng gintong medalya, si Brown ay nasa likod pa rin ng tatlong segundo sa Olympic standard mark na 54.85.
Inaasahan niyang makuha ito nang mas maaga o hanggang sa huling araw ng Paris Olympic qualifiers sa Hunyo 30, 2024.