-- Advertisements --

Kung si Vice President Leni Robredo raw ang tatanungin, tila hindi sapat ang pagpapatupad lang lockdown sa bansa para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng pandemic na COVID-19.

Pahayag ito ng bise presidente sa gitna ng unti-unti nang pagbangon ng ilang estado sa pandemya, tulad ng New Zealand, Vietnam at Taiwan na halos wala nang naitalang bagong kaso ng sakit.

“We’ve seen the best practices already of many countries… hindi ganoon kahaba iyong kanilang lockdown. Hindi gaya sa atin. But they were able to control their contamination,” ani VP Leni sa isang interview.

“Iyong Vietnam, halimbawa, never had a lockdown pero kapag tiningnan kasi natin, gaya ng New Zealand din, gaya ng Taiwan, sobrang aga nilang nag-cancel ng flights from countries that were… that had contaminations already.”

Umaasa ang pangalawang pangulo na paiigtingin ng pamahalaan ang ilang pinaka-kailangan tugon ngayon tulad ng testing at accreditation sa mga pasilidad.

“Iyong sa akin, sana mas—halimbawa, ano-ano ba iyong gaps natin ngayon? We were promised 30,000 sets—30,000 tests a day. Until now, wala pa yata tayo sa kalahati o kalahati pa lang. Halimbawa, the target for labs, testing centers, is, I think, 132? Now we have 59, if I am not mistaken, tapos only 45 of that is for our—is for the swab tests. Iyong sa akin, hindi pa nga natin nare-reach iyong ating targets and those targets were end of May.”

“Bilisan na iyon para— Because even if we… even if we ease the lockdown already, even if we have partial lockdown, even if we have GCQ or MGCQ already, if people are still afraid to go out, ‘di ba, wala, eh. Talagang iyong negosyo maghihirap. Kapag naghirap iyong negosyo, damay iyong lahat.”

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa lagpas 50,000 na ang rated testing capacity ng bansa sa COVID-19.

Pinatotohanan din ito ng Department of Health, pero inaming nasa higit 12,000 pa lang ang average na actual testing na nagagawa ng mga laboratoryo kada araw.