-- Advertisements --

Naging aktibo sa pagbibigay updates sa social media si Vice President Leni Robredo habang nananalasa ang bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Batay sa online posts ng bise presidente, mula Miyerkules pa lang ng gabi ay naging abala na siya sa pagsagot ng mga tawag ng mga nagpapa-rescue sa Bicol region.

Nakatanggap din daw ng mga report ang Office of the Vice President mula na-stranded sa kani-kanilang bahay dahil sa baha.

“Spent the entire night answering calls for rescue in Bicol. Many people trapped by floodwaters inside their houses.  Complaints that they were not warned enough. Same thing is happening here now -Marikina, Rizal, etc,” ani Robredo sa kanyang Twitter account.

Tumulong si Robredo sa paghahanap ng rubber boats para sa mga local government units na kulang sa mga gamit pang-rescue.

“All calls for rescue are noted and sent to the different rescue teams. Thank you to Mayor Fresnedi of Muntinlupa for offering to lend their two rubber boats. We’re looking for more who can lend.”

Pati na sa pag-aanunsyo ng lokasyon ng mga residenteng nangangailangan ng rescue, at mga lugar kung saan pa kailangan ng tulong mula sa mga otoridad.

“Ongoing rescue operations now at Marigold and Estrella Heights. Pa forward lang po sa mga nagpaabot ng requests from here kanina.”

Magugunitang binisita ni Robredo noong nakaraang linggo ang mga bayan ng ilang lalawigan sa Bicol region na labis na sinalanta ng nagdaang Super Typhoon Rolly.