-- Advertisements --

Naniniwala si Mamamayan Liberal Partylist Rep. Leila de Lima na si dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo ang nananatiling “most winnable candidate” ng oposisyon kung sakaling muling tumakbo.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag matapos sabihin ni Robredo na hindi siya tatakbo sa 2028 Presidential Election dahil mas pinipili niyang tutukan ang kanyang tungkulin sa Naga at ang serbisyo para sa mga Bicolano.

Sa isang statement, sinabi ni De Lima na lubos nilang nauunawaan ang layunin ni Mayor Leni para sa Naga at sa kapwa niya Bicolano.

Gayunman, umaasa pa rin ang mambabatas na magbabago ng desisyon si Robredo.

Sa kabila nito, iginiit ni De Lima na nirerespeto nila ang anumang magiging pasya ni dating VP Leni at buo ang tiwala sa kanyang wisdom, na aniya’y laging handang tumugon sa tawag ng tungkulin para sa Naga at sa buong bansa.