Hindi umano naiiba ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa pandemya, sa naging estado ng Pilipinas mula nang isailalim ito sa Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito ang bungad ni Vice President Leni Robredo para sa kanyang mensahe ngayong ika-48 taong anibersaryo ng deklarasyon sa Batas Militar.
“Ngayong araw, ginugunita natin bilang nagkakaisang bansa ang proklamasyon ng Martial Law noong 1972— isang proklamasyong naging simula ng madilim na kabanata ng ating kasaysayan. Napapanahon ang pag-alala na ito, lalo na ngayong dumadaan muli ang ating bansa sa isang mabigat na pagsubok.”
Ayon kay Robredo, ngayong tila pinaghihiwalay ang bawat isa ng sitwasyon, dapat manatili ang publiko sa pagkakaisa at pagtanaw sa mga katotohanan ng kasaysayan.
“We do this by telling our stories, and by asserting the truths that bind us together as one people, with one history: Maraming pinahirapan, naglaho, at pinatay noong Martial Law; lumobo ang utang ng bayan na binabayaran natin hanggang sa ngayon; lumalim at lumawak ang kahirapan. Dinurog ang mga institusyong haligi ng lipunan. Naging bahagi ng diwa ng pamamahala ang korupsyon at pang-aabuso.”
Nagpasaring ang pangalawang pangulo sa mga nagnanais umanong pagtakpan at baliktarin ang kasaysayan ng Martial Law. Marahil ang mga nasa likod nito raw ay yung mga nais muling abusuhin ang sitwasyon.
“These truths know no political color, but come starkly in the black and white of our lived experience as a nation. Walang debate dito; nangyari ito. And those who attempt to tell us otherwise are not only merely telling a supposed version of the story: They are lying to our faces, stealing our truths from us, stealing our stories.”
Hamon ni Robredo sa mga Pilipino ang paglaban sa mga kasinungalingan at mga may nais baluktutin ang kasaysayan.
Dapat din umanong magpatuloy ang pagkwento sa mga nangyari sa Martial Law nang hindi makalimutan ang mga naging aral nito, at sakripisyo ng mga nakipaglaban para sa demokrasya.
“To hold firm to the truth of this painful chapter of our history, and through this, forge the determination to never again let our people fall into such despair. We must do this because, ultimately, our national aspirations can only be as strong as our national memory.”
“Ngayong araw, manindigan muli tayong hindi tayo makakalimot.”