NAGA CITY – Maagang nagpaabot ng pagbati si Vice President Leni Robredo sa mga athleta ng Pilipinas sa natitirang ilang araw ng SEA Games 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vice President Leni Robredo, sinabi nito na ang maagang tagumpay ng Pilipinas ay nagpapakita lamang na kung mas mabibigyan pa ng maayos na training, sapat na suporta at oportunidad ang mga atleta, hindi lamang SEA Games ang kayang pagtagumpayan ng mga Pinoy athletes.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang Bise Presidente sa mga atletang nagdala ng bandila ng Pilipinas sa SEA GAMES 2019, mga coaches at mga magulang na malaki aniya ang naging sakripisyo para maging matagumpay ang bansa sa naturang kompetisyon.
Hiling naman ng Bise Presidente sa mga atleta na ipagpatuloy ang pagbibigay ng halaga ang sports.