-- Advertisements --
Titigil na sa kaniyang showbiz career si incoming senator Robin Padilla.
Sinabi nito na kaniya munang tatapusin ang nakabinbin na pelikula tungkol sa Marawi bago tuluyang huminto sa paggawa ng pelikula.
Ang nasabing hakbang aniya ay para makatutok ito sa kaniyang trabaho bilang senador.
Sa kaniyang talumpati sa proclamation sa kaniya ng Commission on Elections (COMELEC) nitong Mayo 18 ay hindi pa rin ito makapaniwala na nasa unang puwesto ito sa pagka-senador.