-- Advertisements --

Masayang ibinahgi ng TV host na si Robi Domingo at ng kanyang asawang si Maiqui nitong Martes na sila ay nag-aabang ng kanilang unang magiging anak.

Inanunsyo ng mag-asawa ang masayang balita sa pamamagitan ng isang video na shinare nila sa kanilang Instagram accounts, kalakip ang mensaheng: “Two years married… and now our greatest blessing is on the way.”

Makikita sa video ang mga kuha mula pa noong Setyembre, kung saan ipinapakita si Maiqui habang kumukuha ng pregnancy test at ang sandaling nalaman nilang mag-asawa ang resulta. Emosyonal naman ang reaksyon ni Robi nang ibinahagi sa kanya ang balita.

Kasama rin sa video ang masayang reaksyon ng ilan sa kanilang mga kaibigang artista tulad nina Darren Espanto, Donny Pangilinan, Vice Ganda, Anne Curtis, Coco Martin, at mga miyembro ng BINI.

Kasabay ng anunsyo ng pagbubuntis ang pagdiriwang ng ikalawang anibersaryo ng kanilang kasal. Sa caption ng kanilang post, sinabi ng mag-asawa: “Happy 2nd anniversary! We’re ready to give you all our love.”

Magugunitang nagpakasal sina Robi at Maiqui noong 2023 sa isang pribadong seremonya sa simbahan, na dinaluhan lamang ng malalapit na kaibigan at kapamilya.