Isinusulong ni San Jose del Monte Rep. Florida “Ate Rida” Robes ang pagpapalakas sa “nursing sector” sa bansa na tinaguriang mga unsung heroes ng healthcare system.
Nanawagan din si Robes sa mga kapwa niyang mambabatas na tignan ang kasalukuyang sitwasyon ng nursing sector sa bansa.
Sa kaniyang privilege speech nuong Lunes, inihayag ni Robes ang “nurse-to-patient” ratio sa bansa kung saan isang nurse sa bawat hospital ward.
Binigyang-diin ni Robes na nakababahala at hindi biro ang kalagayan ng nurse-to-patient ratio at kung ligtas pa ba ang healthcare system sa bansa.
“I rise on a matter of privilege to bring before this August body the plight of our Filipino nurses; the need for safe and adequate staffing in our hospital; and the vital role of creating a positive practice environment for our nurses towards a quality-driven healthcare system for Filipinos,” pahayag ni Rep. Robes.
Inihayag ng lady solon na ang kasalukuyang guidelines ng Department of Health ay 1:12 nurse-to-patient ratio.
Subalit batay sa isinagawang pag-aaral nuong 2022 sa Philippine General Hospital, nabatid na ang standard nurse-to-patient ratio sa general wards ay 1:20.
Ina-attribute ito dahil sa high-volume ratio at kakulangan ng staff at high patient workload dahilan ng nasabing .
“In some hospitals, one nurse attend to 20 to 50 patients per shift. Hindi ito dapat ipagwalang bahala dahil ayon sa datos na aking nakalap safe nurse staffing saves lives. Bakit?” tanong ni Robes.
Inihayag din ni Robes na nuong kasagsagan ng Covid-19 pandemic kanilang natunghayan na karamihan sa mga hospitals sa bansa nag cut down ng kanilantg operasyon hindi dahil sa kakulangan ng facilities kundi kulang sa mga healthcare workers.
Mas lalong lumala ang problema sa kakulangan ng nurses sa bansa ay dahil agresibong recruitment ng mga nurses abroad.
“May mga bansa na nag-iisponsor sa ating mga college students to take up nursing with an offer to migrate to and work in the sponsoring country. Ito ay patunay na maraming bansa ang nag-aagawan para sa mga Pinoy nurses,” dagdag pa ni Robes.
Binigyang-diin ni Robes na hindi ito dapat pababayaan at magtuloy-tuloy kaya panahon na gumalaw ang pamahalaan.
Sinabi ni Robes ang sweldo ng isang nurse ngayon ay nasa Php 22,000.oo kada buwan na walang benepisyo partikular ang hazard pay.
Dapat ang entry-level ng isang nurse sa public hospital ay entitled sa Salary Grade 15, katumbas ito ng nasa Php 33,575.00 bawat buwan.
Batay sa datos ngayong 2023 mula sa nursing organization nabatid na ang highest paid nurses ay nasa Europe, Australia at Canada.
Aminado naman ang mambabatas na hindi mapigilan ang mga nurses na maghangad ng mas magandang trabaho na may mas mataas na sahod at benipisyo para itaas ang antas ng kanilang kabuhayan.
“I stand here today with a dream to make healthcare accessible and affordable to every Filipino – where safe nursing staff ratio will replace the “one-is-to-ward system”, and where the best and the brightest nurses will choose to stay and love the Philippines,” pahayag ni Robes.