-- Advertisements --


 

Taos pusong tinatanggap ni San Jose Del Monte Representative Florida Robes ang naging hatol ng mga Bulakenyo na hindi bumuto pabor para maging Highly Urbanized City ang San Jose del Monte sa Bulacan.

Kung maalala si Robes ang nangunguna sa pangangampanya para maging Highly Urbanized City ang San Jose del Monte.

Ang plebisito sa nasabing panukalang batas ay itinaon sa isinagawang Barangay at SK elections nuong October 30,2023.

Sa kabila ng hindi pagpabor ng karamihan sa mga Bulakenyo na maging highly urbanized city ang SJDM lubos pa rin nagpapasalamat ang mambabatas sa paglahok ng mga ito sa nakaraang halalan.

Sinabi ni Rep. Robes na bagaman nabigo ang tuntunin na kanilang sinuportahan,lubos nilang tinatanggap ang naging desisyon ng sambayanan.

Ayon sa lady solon, patunay ito ng diwa ng demokrasya, at makaaasa pa rin ang mga taga Bulacan ang kanilang puspos na pagtataguyod para sa ikabubuti at paunlarin pa ang lungsod.

Ipinunto ni Robes na hindi nagtatapos ang kanilang serbisyo publiko kahit sila ay natalo sa plebisito sa adhikaing mas paunlarin pa ang siyudad ng San Jose del Monte.

Nabatid na aktibong kinakampanya nina Bulacan Governor Daniel Fernando at dating Bulacan Governor Wilhelmimo Alvarado na kontra ang mga ito sa panukalang batas na gawing highly urbanized city ang San Jose del Monte.

Ayon sa dalawang mga opisya na ang nasabing hakbang ay magreresulta ng kawalan ng trabaho at tataas ang local government fees.