Pinapatutukan na ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa Land Transportation Office(LTO) ang road safety o kaligtasan sa mga kalsada sa buong bansa dahil sa aniya’y nakaka-alarmang bilang ng mga aksidenteng naitatala.
Ayon kay Sec. Bautista, inatasan na niya ang LTO upang pagtuunan ang road safety, at bigyang prayoridad ang kaligtasan ng mga pedestrian o mga naglalakad.
Nagbigay na aniya ito ng direktiba sa lahat ng Regional Director ng LTO upang pakatutukan ang kaligtasan ng mga pedestrian sa buong bansa, lalong lalo na ang mga bata, at tiyaking ligtas sila mula sa banta ng mga rumaragasang sasakyan.
Tinukoy ng kalihim ang aniyay napakataas na bilang ng mga namatay sa ibat ibang bahagi ng bansa dahil sa mga road accidents na nangyayari.
Sa katunayan, batay sa pag-aaral ng DOTr, umaabot sa 11,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa mga aksidente.
Ang mga nasangkot ay nakitaan ng ibat ibang mga pagkakasala na kinabibilangan ng drunk driving, over speading, texting while driving, at iba pang risky human behavior.
Ayon kay Sec bautista, ang LTO ang pangunahing ahensiya na naatasang magsulong ng road safety, kasabay ng pagtuturo sa defensive at safe dribing sa mga kumukuha ng driver’s license.