-- Advertisements --
Nakikitang solusyon ngayon ng Department of Transportation (DOTr) sa lumalalang trapiko sa Metro Manila ay ang pagpapabilis ng mga public-private partnership.
Ayon sa DOTr na kapag natapos ang mga nakabinbin na mga road projects ay mababawasan na ang problema ng trapiko.
Isa ng isinusulong nila ay ang mga rail projects para may alternatibong sasakyan ang mga mamamayan.
Noong nakaraang taon ay sinimulan na ng ahensiya ang paghuhukay para sa Metro Manila Subway Project.
Mayroon din P1-bilyon na investment ang DOTr para sa pagsasagawa ng mga bike lanes at pedestrian pathways bilang suporta sa alternatibong uri ng mobility.