Simula sa Lunes, April 6, ay magbubukas na para sa mga pasyenteng may COVID-19 ang Rizal Memorial Coliseum.
Sa virtual presser ng Department of Health (DOH) sinabi ni Dr. Beverly Ho, special assistant ni Sec. Francisco Duque, na tatanggap ng mga asymptomatic at mild cases ang nasabing pasilidad.
May 112-bed capacity raw ang sports facility na magkasamang imo-monitor ng DOH at Armed Forces of the Philippines Medical personnel.
Naka-porma na parang cubicle ang pwesto ng mga pasyente kung saan may sarili silang kama, upuan at mesa.
Lalagyan naman ng plastic o vinyl curtain ang entrance ng lugar.
Bukod sa Rizal Memorial Coliseum, inihahanda na rin ang Philippine International Convention Center at World Trade Center bilang quarantine areas ng mga COVID-19 patients.