Kinumpirma na rin ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang pagkakatuklas sa bagong strain ng SARS-CoV-2 virus sa samples ng ilang positive cases dito sa Pilipinas.
Kasunod ito nang report na inilabas ng Philippine Genome Center (PGC) ukol sa nadiskubreng G614 variant sa maliliit na samples ng ilang nagpositibong indibidwal sa Quezon City.
Ayon sa Department of Health (DOH), una nang naitala sa ibang bansa ang pagbabago ng orihinal na DG14G mutation sa G614 variant.
May mga ulat din daw na naging dominant na o naging mas nakakahawa ang bagong strain ng virus sa Europe at Amerika.
“There is evidence that the mutation makes it easier for the virus to enter its target cell, and may be associated with higher viral loads in infected persons. This likely translates into a higher level of infectivity.”
“However, PGC emphasized that although this information confirms the presence of G614 in the Philippines, all the samples tested were taken from Quezon City and may not represent the mutational landscape for the whole country.”
Sa kabila nito, nilinaw ng Genome Center na wala pa ring matibay na ebidensya kung mas mabilis nang makakahawa ng COVID-19 ang mga indibidwal na carrier ng G614 variant kumpara sa mga may D614.
“Mutation does not appear to substantially affect clinical outcomes as well. As of writing, the RITM also noted that there is no conclusive study that would define the impact of the virus mutation, disease severity and the effect to vaccines under development.”
Ang mahalaga raw ngayon ay mabantayan ang nasabing mutation at iba pang mutation ng virus para maintindihan ang pagbabago ng SARS-COV-2. Dapat din umanong higpitan ang monitoring sa mga ports of entry ng estado.
“Previous epidemics and pandemics have shown that mutations in pathogen genomes
may generate new viral variants that cause more severe disease or to spread more easily from person to person.”
Sa ngayon magkasama raw na pinag-aaralan ng RITM at University of Glasgow sa Scotland ang genome sequence ng SARS-COV-2.
Makikita kasi sa genome sequencing ang identity ng virus, na makakatulong sa pag-alam nang pattern ng pagkalat nito sa bansa. Malalaman din dito kung saan galing at kung kailan ito nakapasok ng estado.
“It can complement contact tracing and identify cases that belong to the same transmission clusters and trace sources of infection. It may also provide essential information for the development of diagnostic tests, therapeutics, and vaccines.”
Ayon sa DOH, mahalagang sundin ng publiko ang kanilang ipinatutupad na health protocols habang patuloy na pinag-aaralan ang mga bagong tuklas na impormasyon hinggil sa pandemic na COVID-19.