-- Advertisements --
NAGA CITY- Inaprubahan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang Bicol Medical Center (BMC) para magsagawa ng testing sa COVID-19 (SARS-CoV-2) sa pamamagitan ng Rapid PCR Testing.
Sa ipinalabas na pahayag ng Department of Health (DOH)-Bicol malaking tulong umano ito upang mas madagdagan ang kapasidad ng pagsasagawa ng testing sa Rehiyon.
Mahalaga rin umano ito upang agad na maihiwalay ang mga hinihinalang COVID-19 patients at upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng sakit.
Sa ngayon hinihintay na lamang umano ng Hospital-Based Laboratory ng BMC ang License to Operate (LTO) mula sa Health Facility and Services Regulatory Bureau (HFSRB).