-- Advertisements --
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ni Rihanna para sa pagtatanghal niya sa halftime show ng Super Bowl 57.
Nagkaroon ito ng 39 na magkakaibang setlist para maitama ang kaniyang performance.
Sinabi nito na kaniyang inayos ang ilang oras na kanta niya para pagkasyahin sa 13-minuto na set.
Gumawa ng mga kaparaanan ang kaniyang grupo para maging matagumpay ang performance nito.
Gaganapin ang SuperBowl 57 sa Pebrero 13 sa State Farm Stadium sa Arizona.
Maghaharap sa finals ang Philadelphia Eagles at Kansas City Chiefs.