-- Advertisements --
Rihanna
Rihanna/ IG post

Magtatanghal sa 2023 Super Bowl Halftime Show ang sikat na Pop star na si Rihanna.

Kinumpirma ito mismo ng NFL sa pamamagitan ng isang post na may picture ng kamay ni Rihanna na may hawak na bola ng football, larawan na pinost din mismo ng singer sa kaniyang sariling social media account.

Sa isang statement ay inilarawan ni Jay-Z, isa sa mga executive producers ng nasabing halftime show, bilang isang “generational talent” si Rihanna na ipinanganak sa Barbados na isang maliit na isla at naging isa sa mga pinaka prominenteng artists sa panahon ngayon.

Samantala, gaganapin ang ika-57th Super Bowl sa February 12, 2023 sa State Farm Stadium sa Glendale, Arizona.

Matatandaan na una nang bumida sa stage ng halftime show ang iba’t-ibang sikat at magagaling na artists tulad nina Beyonce, Lady Gaga, Madonna, Jennifer Lopez, at marami pang iba.