-- Advertisements --
dotr 1

Nakakahalahati na ang right-of-way acquisition sa mga lugar kung saan ipapatayo ang EDSA Greenways Projects ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Kung saan nasa kabuuang 3,064 sq na mula sa 5,657 sq meters ng property ang na-acquire para sa proyekto o katumbas ng 54.16% ng kabuuang projected acquisition.

Ang naturang proyekto ay layuning ma-improve pa ang pedestrian environment sa pamamagitan ng pag-elevate sa mga dinadaanang pedestrian sa itinuturing na busiest thoroughfare sa Metro Manila lalo na sa EDSA kabilang ang Balintawak at Cubao sa Quezon city, Guadalupe sa Makati city at Taft Avenue sa Pasay city.

Sa oras na makumpleto, magkokonekta ang naturang proyekto sa pedestriants at commuters patungo sa mass transit stations para makatulong na maipromote ang paggamit ng pampublikong transportasyon.

Samantala, ang 148 indibidwal na maaapektuhan ng proyekto ay inenroll na rin sa ilalim ng Livelihood Assistance ng DOLE.

Top