Naging target ngayon sa phone malware ang mga right activists, journalist at mga lawyers sa buong mundo.
Nasa 50,000 phone numbers ng mga ito ang ibinebenta uamno ng Israeli surveillance firm sa isang authoritarian government.
Hindi pa malinaw kung saan nagmula ang mga listahan at kung sinong phone numbers ang na-hack.
Ang software ay inilaan para magamit laban sa mga kriminal at terorista at magagamit lamang sa militar, law enforcement at intelligence agencies mula sa mga bansang may magandang human rights record.
Ginamit umano na software sa pagpang-hack ay ang Pegasus kung saan kaya nitong kunin ang mga messages, photos, emails, record calls at kaya rin nito e-activate ang microphones.
Kabilang umano sa listahan ng mga na-hack ang 180 journalist na ilan sa kanila ay nagmula sa CNN, New York Times, Al Jazeera at marami pang iba.
Nasa listahan rin ang mga heads ng state at goverment, members ng Arab royal families at business executives.
Asahan umano sa mga susunod na araw ang karagdagang detalye kung sino ang mga target sa phone malware. (with reports from Bombo Jane Buna)