NAGA CITY – Arestado na ang riding in tandem na suspek sa pamamaril sa tatlong lalaki sa Brgy. Mangilag Norte, Candelaria, Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Col. Jezreel Calderion hepe ng Candelaria PNP, sinabi nitong sa tulong ng barangay officials sa nasabing lugar nakilala na ang dalawang suspek.

Ayon kay Calderon, sa ngayon naghahanda na sila ng mga kaukulang dokumento sa isasampang kaso sa mga ito.

Samantala, ayon naman kay Calderon nasa maayos na kalagayan na ngayon ang tatlong biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa United Candelaria Doctors Hospital.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng banggaan sa nasabing lugar na nauwi sa sagutan at pamamaril ng mga suspek na sina Ladislao Tubo, 44, at isa pang angkas nito na sina Arnold Estolano, 19; Kien Ivan Delos Reyes, 18, at isang menor de edad.

-- Advertisement --