LAOAG CITY – Patay ang isang rider matapos bumangga sa sementong pader sa national highway sa Brgy. Billoca, Batac City, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Argel Gabay, 23-anyos, binata, lending collector at residente ng Brgy. Camandingan sa nasabing lungsod.

-- Advertisement --

Base sa imbestigasyon, habang patungong timog ang biktima sakay sa yamaha nmax ay biglang nawalan ng kontrol sa manibela.

Ayon kay Police Lt. Col. Michael Agoncillo, hepe ng Batac City Police Station, mabilis ang takbo ng motorsiklo dahilan ng pagbangga nito sa pader kaninang hating gabi.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.