Pinangunahan ni PNP chief PDGen. Oscar Albayalde ang kampanya laban sa cancer na tinawag na “Ride Against Cancer.”

Tinatayang nasa 300 na mga motorcycel rider ang nakiisa sa kampanya ng PNP.

Nagsanib pwersa ang PNP, Philippine General Hospital at ilang grupo ng motorcycle rider mula NCR at Region 3 para sa “Ride Against Cancer with Chief OCA,” isang adbokasiya para sa mga batang may sakit na cancer.

Ayon sa PNP Public Information Office, mula sa Camp Crame, pupuntang Clark, Pampanga ang grupo at babalik ito ng Maynila na didiretso sa Luneta para sa programa.

Ang programa ay pangungunahan ni Albayalde at ng PGH.

Ilang showbiz personalaties ang nakiisa sa kampanya.