-- Advertisements --

Naghahanda na ang singer na si Rico Blanco sa kaniyang nalalapit na concert sa Araneta Coliseum Setyembre 11.

Sinabi nito na matagal-tagal na rin ng hindi ito nakatugtog sa lugar at sabik siyang makita muli ang kaniyang mga fans.

Umaasa ito na tuloy-tuloy na ang pagbabalik ng concert scenes na naantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Gaya ng kaniyang nararamdaman ay naniniwala ito na sabik ang mga tao na makapanood ng concerts sa mas malaking venue.

-- Advertisement --

Ilan sa mga guest nito sa concerts ay sina Ebe Dancel at Zild Benitez.