Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na lalong mapapabuti ang kalidad ng bigas, mapapataas ang kita ng mga magsasaka, at magiging madali ang produksyon.
Ito’y matapos pormal ng inilunsad ang Rice Processing System II Facility na mayroong isang multi-stage rice mill at apat na recirculating dryers.
Sa talumpati ng Pangulong Marcos kaniyang sinabi na inaasahang mapapataas pa ang milling recovery rates mula sa kasalukuyang 55 percent ngayon ay gagawin na ito sa 58 percent tungo sa 63 hanggang 65 percent.
Ayon sa Pangulo sa tulong ng nasabing teknolohiya, bababa rin ang post-harvest losses ng halos 32,000 metriko tonelada kada taon katumbas ng mahigit P541 milyong piso na kita para sa ating mga magsasaka.
Sinabi ng Punong Ehekutibo ang nasabing proyekto ay bahagi ng mas malawak na layunin ng pamahalaan para makamit ang food security.
Ipinagmalaki naman ng Pangulo na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, nakapagpatayo na ito ng 150 Rice Processing System sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Siniguro din ngPunong Ehekutibo na bawat lugar sa bansa na kilalang rice producing areas ay magkakaroon ng rice processing plant ng sa gayon hindi na mahihirapan pa na dalhin ng mga magsasaka ang kanilang palay.